Suliranin ng agrikultura ng Pilipinas |
Ano ang masasabi mo rito?
Para saakin naman, ang mga bagay na nakaaapekto sa ating agrikultura tulad ng mga bagyo, el niño at La niña ay hindi naiiwasan, dahil buhat ito ng pabago bagong panahon. Hindi natin ito mapipigilan. Ngunit ang pinsalang idudulot nito sa ating agrikultura ay maaaring mabawasan. Kung may pagbabanta ng pagdating ng tag-tuyo, o kaya naman ay labis na pag-ulan, unahan na natin ito ng maagap na aksyon. Maghanda tayo.
Ang mga peste ay isa rin sa mga problema ng ating sektor ng agrikultura. Sa ganitong pagkakataon naman, maaaring gumamit sila ng mga pamatay peste upang maisalba ang mga pananim na kanilang inaalagaan. Sabi nga "magtanim ay 'di biro." Kaya't bakit mo hahayaang masira ito ng mga maliliit na peste, kung kaya mo naman silang sugpuin?
Hindi sapat na ang ating mga magsasaka lamang ang gagawa ng paraan upang maisalba ang kanilang mga pananim sa mga ganitong pagkakataon. Sabi nga sa itaas ay kulang ang suportang kanilang nakukuha mula sa pamahalaan. Kung maririnig lamang ng ating gobyerno ang mga hinaing ng ating mga magsasaka ay marahil, kahit ano pang problema ang kaharapin ng ating mga magsasaka ay tiyak na hindi mauubusan ng kanin ang ating hapag kainan.
No comments:
Post a Comment